ANO BA ANG MISTRESS?
“Kapag ang isang babae ay nagkagusto at
nagkaroon ng relasyon sa isang lalaking may asawa na, ang tawag sa kanya ay MISTRESS. Pero kapag ang lalaki ay nagkagusto at nagkaroon ng relasyon sa isang
babaeng may asawa na, ang tawag sa kanya ay LOVER!” Ito ang naaalala ko sa aking klase sa Filipino12. Ito ay nabanggit ni Sir Edgar Samar, isang mahusay na guro ng Kagawaran ng Filipino sa Ateneo de Manila University.
Akala ko talaga dati na isang napakalaking
pribilehiyo ang maging isang MISTRESS. Marami kasing kahulugan ang salitang
MISTRESS.
Sa ibang bansa, ito ay maaaring tumukoy sa
isang babaeng may mataas na kapangyarihan. Ito ay maaari ring tumukoy sa babaeng
may alagang hayop o may alipin.
Ginagamit pa nga dati ang salitang ito bilang pagbati o paggalang sa
isang babae. Sa katunayan, ito ay ginagamit bilang pantawag sa mga diyos o diyosa ng mga
taga Ehipto at Gresya.
Halimbawa:
Mistress
of the house of life, The Egyptian goddess Isis
Mistress
of the west. The Egyptian goddess Hathor
Mistress
of the temple,the Egyptian Goddess of the underworld Nepthys.
Sa mga kahulugan at halimbawang nabanggit ko
kanina, hindi ibig sabihing dapat kang matuwa na isa kang MISTRESS. Sa
panahon natin ngayon, hindi ka dapat matuwa kapag sinabihan kang MISTRESS. Dapat magalit ka. Dahil kapag sinabihan ka ng isang tao na ikaw
ay isang MISTRESS, isa lang ang ibig sabihin nito. Hindi ibig sabihing ikaw
ay maganda at makapangyarihan. Hindi rin ibig sabihing isa kang diyosa. Dahil
sa panahon natin ngayon, ang kahulugan ng MISTRESS ay KABIT, KERIDA o “THE
OTHER WOMAN”. Ang ibig sabihin nito ay may relasyon ka sa isang lalaking may
asawa na!
BAKIT NGA BA NAGKAKAROON NG MISTRESS?
"I
take you (Bride), to be my wife, to have and to hold from this day forward, for
better or for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love
and to cherish; from this day forward until death do us part." Ito ang kadalasang panata sa mga kasal.
Nang ikasal ang isang lalaki at babae, ipinangako nila sa isa't isa na sila ay magsasama habang buhay. Pero
bakit ba sila nambababae at nanlalaki? Sa aminin man natin o sa hindi, madalas
lalaki ang nambababae o nangangaliwa kaya nagkakaroon ng mistress, kabit,
kerida o “the other woman.”
Pero bakit nga ba
sila nangangaliwa? Ang madalas sabihin ng mga lalaki ay nagkulang daw ang
kanilang mga asawa. Pero sigurado ka ba na sila ang talagang nagkulang? o kayo ang nagkulang?Nang
ikasal kayo, nangako ka na siya lamang ang iibigin mo, sa hirap at
ginhawa. Mamahalin mo siya at hindi sasaktan. Pero bakit ka gumagawa ng isang
bagay na alam mong masasaktan ang asawa mo? Kung mahal mo ang asawa mo, hindi mo
siya sasaktan at ipagpapalit sa ibang ulam. Pero sa iba, ang rason nila ay gusto lang nila tumikim ng ibang ulam. Ano ba talaga ang rason kung bakit mo mahal at pinakasalan isang
babae?
1. Pinakasalan mo siya dahil mahal mo siya.
2. Pinakasalan mo siya dahil siya ang nagbibigay rason sa iyo upang mabuhay.
3. Pinakasalan mo siya dahil naiiba siya sa lahat.
4. Pinakasalan mo siya dahil siya ang karapat-dapat sa iyong paningin na maging
ina ng iyong mga anak.
5. Pinakasalan mo siya dahil hindi mo siya ipagpapalit kalianman.
Tandaan na hindi laruan ang mga
babae kaya kapag pinagsawaan, itatapon na lang na parang basura. Hindi natin
dapat sinasaktan ang mga babae dahil sila ay mga babasaging hiyas. Dapat
ingatan at mahalin upang mapanatiling maganda at hindi mabasag.
ANO
BA ANG TUNAY NA PROBLEMA?
Sa hirap ng buhay
ngayon, maraming mga Pilipino ang nagiging pokpok kaya ibinebenta ang sariling katawan. Nasisira tuloy ang mga pamilya dahil may kabit ang
tatay o nanay. Pero bakit nga ba
may mga babaeng pinipilit na magkarelasyon sa isang lalaking may asawa't anak
na? Hindi natin sila masisisi dahil mahirap ang buhay ngayon. Mahirap maghanap
ng trabaho kaya kumakapit sa patalim, kahit alam na may asawa na. Kahit na itinataboy at inaaway, kinakapalan pa rin nila ang kanilang mga mukha.
Hindi natin alam ang kanilang mga nararamdaman. Maaaring nasasaktan din sila, kahit
alam nila na hindi sila magiging legal na asawa. Ginagawa pa rin nila ito kahit alam nilang magiging
masama ang tingin sa kanila ng lipunan. Dahil ito sa hirap ng buhay ngayon,
kaya nila ito nagagawa. Ito ay isang masakit na katotohanan.
MENSAHE
SA MGA MISTRESS
Kung ako man ay isang
babae, hindi ko kailanman ipagpapalit ang aking dignidad bilang isang babae.
Hindi ko papayagang madumihan ito kahit na maghirap ako at kumain ng asin. Hindi
ko kailanman ibebenta ang katawan ko para lang may makain. Hahanap ako ng
isang disenteng trabaho. Iba kasi ang pakiramdam na ikaw
ang una at tunay na asawa, at hindi ang kerida. Kahit anong mangyari, naniniwala
ako na tutulungan ako ng Diyos na makahanap ng magandang trabaho. Naniniwala
rin ako na kasama ko siya sa anumang pagsubok na aking haharapin. Hindi ako
kailanman kakapit sa patalim dahil ayaw ko na madumihan ang pagkatao at
dignidad ko. Basta
naniniwala ako na mga pagsubok lang iyon ng Diyos sa akin upang malaman kung
gaano ako katatag. Para sa akin, hindi ka dapat matuwa na isa kang MISTRESS.
kunv halimbawa po na nagkaanak sya sa dating gf nya pero di sila kasal at ung lalaki ay may bagong gf, kung pkksalan nya po ba yung present gf nya, mttwag po ba syang kabit?
TumugonBurahinSagot sa tanong...
TumugonBurahinSa aking palagay hindi Pero kung tinuloy nila ang relasyon tapos kasal sya sa present gf pwede sya tawaging kabit.
halimbawa may gf yung lalaki ng 4 years na gusto nang hiwalayan pero ayaw pumayag ni gf, pero nagkaroon na sya ng gf na bago. Matatawag bang kabit ang new gf?
TumugonBurahinkung talagang nagkukulang ang asawang babae sa pang araw araw n pangangailangan n lalaki at sa sex life d b maapektuhan ang pagmamahal nya sa asawa nya? talaga bng ang pagmamahalkung minsan ay puro sakripisyo d ba tao tayo nmay pangangailangan babae k man o lalaki.kung sampung taon kaung walang sex.d b iiral ang pagiging tao mo pra maghanap
TumugonBurahinHalimbawa ang lalaki kasal cla sa ibang bansa at dito na cla nakatira sa bohol. .ngayon nagkahiwalay cla ang babae may lalaki at ung lalaki may babae din...so anung tawag dun? Pero ang babae ung lalaki nya bibisitahin lang xa pag may kailangan...before nagsama cla..ngayon bibisitahin nalang xa ng lalaki nya..kc ung lalaki nya may family din...tapos ung husband nya matagal na clang wala...ung kinakasama ng lalaki ngayon matagal na din cla ngsama..ask lang ako anung tawag dun?kabit pa rin nag?
TumugonBurahinPano pagka ang lalaki at ex wife eh hiwalay na ng 3 taon hindi na nagsasama pa, pero kasal sila. Matatawag po ba kabit yong present na ka live in ng lalaki? Thanks po.
TumugonBurahinKung ang mag asawa ay ayaw naa sa isat-isa , married sila pero ayaw na ipagpatuloy , may kanya2x na silang gusto. Ang mga ginusto nila ay kabit parin bah?
TumugonBurahinHarrah's Cherokee Casino and Hotel - Mapyro
TumugonBurahinThe 신규 바카라 사이트 Harrah's Cherokee Casino 춘천 출장마사지 and 서산 출장샵 Hotel - 세종특별자치 출장안마 Mapyro Hotels 강릉 출장안마